Monday, April 22, 2013

Daniel Padilla napikon sa mga fans ni Elmo Magalona?

NAKARATING kay Daniel Padilla na taga-kalabang istasyon ang mga detractor niya at nagsasalita ng against sa kanya. Pinupuna ng mga ito na hindi raw marunong kumanta at tinatawanan daw siya ng mga ito nung marinig ang kanta niya sa radio.


Umandar naman ang kataklesahan ng sikat na young actor na marahil ay bugso ng damdamin.

‘Bakit may concert ba sila sa Aranteta Coliseum (April 30)? Bakit may double platinum award ba sila?’

Bagamat tao lang si Daniel, hindi maganda ang dating sa iba ang pahayag niya. Dapat daw ay humble pa rin ito at hindi parang mayabang ang dating pag nagsasalita. Although, wala sa intensyon ng bagets na magyabang. Tao lang siya na naiinis at napipikon din.

Tanggap naman ni DJ na hindi siya talaga singer pero kahit paano ay nakakakanta siya at nagpapasalamat siya dahil tinangkilik ng fans ang kanyang album.

Pero teka, how true na ang pinapatutsadahan ni Daniel ay sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose? Hindi naman kaya mga fan nina Elmo at Julie Anne ang naninira at hindi mismo ‘yung dalawa?

Ang mga fans kasi ni DJ ay galit sa pagti-tweet laban sa dalawa. Kahit sa Facebook may nabasa kami na kinukumpara sina Daniel at Elmo. Pareho raw silang may album pero si DJ ay double platinum, kay Elmo hindi. May nag-click na kanta si Daniel, ang Kapuso star waley, may Araneta concert at solo concert si DJ, ang binata ng yumaong Francis M zero. Pati kita ng pelikula nina Daniel at Elmo ay ikinumpara at pinapalabas na mas mababa ang kinita ng pelikula ng huli.

Anyway, ano naman kaya ang magiging reaksyon nina Elmo at Julie Anne kapag nakarating sa kanila ang pasaring sa kanila ni Daniel Padilla?

Tsuk!
source: remate.ph
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search