Tuesday, November 13, 2012

Joshua Dionisio balik ABS-CBN sa Remake ng Teleseryeng 'Esperanza'

Marami ang nagtataka kung bakit iba na ang ka-love team ni Barbie Forteza sa bago nitong teleserye. Matatandaang sumikat ng husto ang Kapuso tween star na ito mula ng magtambal sila ng dating Kapamilya child star na si Joshua Dionisio.

Noong nakaraang July nabalitang nagsimula ng di maging visible sa mga Kapuso shows itong si Joshua pero paliwanag nila nais nito na fumocus sa pag-aaral pero ang chika ang tunay daw na dahilan ay balak nitong bumalik sa ABS-CBN.

Ang kapatid niya ay nasa ABS-CBN at gaya ng sabi ko dati rin siyang Kapamilya at magaling siya umarte kaya di malayo itong makabalik sa Kapamilya network. May balita ring di ito nagrenew ng contract sa GMA kahit na patuloy itong napapanood sa game show ni Manny Pacquiao.

Pero ayon pa sa aking nakalap, sa pagbabalik daw nito sa ABS-CBN ay makakapareha nito si Jaine Oineza sa remake ng classic telseryeng 'Esperanza'


SOURCE: http://byxbuzz.blogspot.com/2012/11/joshua-dionisio-balik-kapamilya-sa.html
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search