Saturday, April 21, 2012

IT'S SHOWTIME tatanggalin na sa ere?

HETO ang tsika ngayon, mawawala na sa ere ang It’s Showtime ayon sa aming very reliable source o baka, ibabalik sa dating time slot nito sa umaga na 10:30 a.m.. 
Pero ang tsika, talagang titigbakin na ito dahil sa bad reviews dulot ng ilang pagkakamali ng ilang host ng nasabing programa. Kaya bago ito makagawa ng karagdagang matinding ‘mali’ ay aalisin na lang daw ito.

Noon ay bulong-bulungan lamang na isa pang variety show ang ipapalit dito at ito umano ang Boom! Boom! Boom! na ang mga main host ay sina Richard Gomez, John Estrada, at Joey Marquez.

As of presstime, may pagbabago sa titulo ng show, it’s now Palibhasa Tanghali kuha sa dating titulo ng sitcom ng tatlo, ang Palibhasa Lalaki na ang gagawin ng tatlo ay magre-remote broadcast sila sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila. Kaya, mas madalas na wala sila sa studio habang on-going ang programa at mga babaeng host lamang ang nasa loob ng studio. 
Sa ngayon ay wala pang ibang miyembro ang pinangalan lalo na sa parte ng mga babae pero maraming nagsasabing ayaw na nila kay Pokwang dahil lahat ng sinamahan nitong variety show sa tanghali ay hindi nagtagal sa ere mula sa Wowowee hanggang Happy Yipee Yehey.


SOURCE: HATAW TABLOID
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search