Saturday, January 28, 2012

KC Concepcion nilampaso sina Charice at Jinkee Pacquaio

TUWANG-TUWA raw ang pamunuan ng Rogue Magazine dahil sa magandang benta ng kanilang magazine.
Hindi sila nagkamali sa pagkuha kay KC Concepcion bilang cover model nila for the month of January.

Nilampaso raw sa bentahan ang ilang fashion magazine na naging pabalat sina Charice Pempengco, Jinkee Pacquiao, Valerie Concepcion, Sam Pinto at Ellen Adarna.

Kaiba kasi ang dating ni KC. Bago sa kanilang panlasa. Bagama’t nakahubad na siya, hindi bastusin ang dating.
Hindi katulad ng iba na pinagtatawanan dahil sa sandamakmak na make-up, minadyik ng photoshop at kung anik-anik pang retoke. Si KC ay natural. Walang binago sa kanya. Tunay na ganda niya ang lumabas.

Itong kuhang ito ng dalaga na nakikita ninyo ngayon sa pahinang ito ay makikita na sa lahat ng social network sites specially sa Facebook. Ilang friends namin ang nagpadala nito sa amin.


Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

1 comment:

  1. si jinky mega mags na pakiaw ni manny paquiao at charice preview's na exports around the world at kay KC iwan kay PIOLO wa epek daw ...

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search